Friday, October 16, 2026

𝗣𝟭𝟬𝟬 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚-𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗜𝗕𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗩𝗔𝗟𝗟𝗘𝗬

CAGAYAN VALLEY – ‎Isinusulong ng mga pribadong manggagawa sa Cagayan Valley ang ₱100 dagdag-sahod kada araw upang makatulong sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa pagkain, pamilya, personal na pangangailangan at iba pang obligasyon.
‎
‎Inilahad ng mga kinatawan ng labor sector ang kanilang posisyon sa isinagawang konsultasyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board II (RTWPB II).
‎
‎Nagpanukala rin ang kasambahay sector ng ₱1,000 hanggang ₱1,500 dagdag sa buwanang sahod upang makatugon sa epekto ng inflation at pagtaas ng pangunahing gastusin.
‎
‎Samantala, hiniling naman ng management sector na ipagpaliban muna ang wage increase ngayong taon, bunsod ng tumataas na operational costs at pangambang makaapekto ito sa operasyon at employment, lalo na sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).
‎
‎Ayon sa RTWPB II, susuriin nito ang mga isinumiteng posisyon ng labor at management sectors upang makabuo ng wage order na isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga manggagawa at kakayahan ng mga negosyo.
‎
‎Kabilang sa mga datos na pinag-aaralan ang poverty incidence sa Cagayan Valley, na bumaba mula 6.7 porsiyento noong 2012 hanggang 4.4 porsiyento noong 2025.
Facebook Comments