Sunday, July 26, 2026

๐—ฃ๐Ÿฎ.๐Ÿณ-๐—  ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—ข๐—”๐—ง ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—œ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—˜๐—ฅ ๐—™๐—”๐—ฅ๐—  ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—• ๐—ฆ๐—” ๐—ค๐—จ๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ข ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—–๐—˜

Cauayan City – Pormal na inilunsad ng Department of Agriculture katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Quirino at mga lokal na pamahalaan ang Goat Multiplier Farm Project sa Bannawag Sur, Diffun.
โ€Ž
โ€ŽBahagi ang programa ng mas pinaigting na Livestock Economic Enterprise Development o LEED Program na naglalayong palakasin ang livestock production at kabuhayan ng mga magsasaka at livestock raisers sa lalawigan.
โ€Ž
โ€ŽUmabot sa P2.7 milyon ang kabuuang halaga ng suportang ipinamahagi sa mga benepisyaryo kabilang ang 27 dekalidad na kambing na inaasahang makatutulong sa pagpapalawak ng produksyon ng kambing sa lugar.
โ€Ž
โ€ŽKasama rin sa ipinamahaging assistance ang forage chopper, feeds at mga gamot para sa wastong pangangalaga ng mga alagang hayop.
โ€Ž
โ€ŽBahagi rin ito ng pagsisikap ng pamahalaan na maisulong ang mas moderno at mas produktibong sektor ng paghahayupan upang higit pang mapabuti ang kabuhayan ng mga mamamayan sa Quirino.
Facebook Comments