Umabot sa ₱1,629,433.60 ang kabuuang halaga ng iligal na droga na nasamsam ng Pangasinan Police Provincial Office (Pang PPO) sa isang province-wide enforcement operation mula Setyembre 21 hanggang 27, 2026.
Ayon sa Pang PPO, nakapagsagawa ang mga anti-illegal drug units ng 39 operasyon sa loob ng isang linggo, na nagresulta sa pagkakasamsam ng 239.582 gramo ng shabu at 2.3 gramo ng dried marijuana.
Kasabay ng anti-drug operations, umabot sa 68 law violators ang naaresto sa iba’t ibang operasyon ng pulisya sa buong lalawigan.
Kabilang dito ang 50 wanted persons na naaresto matapos ang mga operasyon laban sa mga taong may kinakaharap na kaso. Pito sa mga ito ang kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons.
Samantala, nagsagawa rin ang pulisya ng 17 operasyon laban sa loose firearms, na nagresulta sa 14 na pagkakaaresto at pagkakarekober ng 53 armas.
Sa kabuuan, 22 baril ang nakumpiska, 29 ang boluntaryong isinuko bilang unlicensed firearms, habang dalawa naman ang natagpuang iniwan o abandoned.
Isinagawa rin ang pitong operasyon laban sa illegal gambling na nagresulta sa pagkakaaresto ng 20 katao at pagkumpiska ng ₱10,111 na umano’y perang sangkot sa ilegal na pagsusugal.
Ayon sa Pang PPO, bahagi ang mga operasyon ng tuloy-tuloy na law enforcement activities sa buong Pangasinan laban sa illegal drugs, wanted persons, loose firearms at illegal gambling. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












