Timbog ang Top 1 Most Wanted Person sa municipal level sa Cervantes, Ilocos Sur matapos itong maaresto ng mga awtoridad sa Barangay Concepcion noong Setyembre 29, 2026.
Naaresto ng operating personnel ng Cervantes Municipal Police Station, na nagsilbing lead unit, kasama ang 102nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) at Ilocos Sur Provincial Intelligence Unit (ISPIU) ang 22-anyos na suspek.
Isinagawa ang pag-aresto bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Qualified Rape, kung saan walang piyansang inirekomenda ng korte.
Ayon sa pulisya, kabilang ang suspek sa listahan ng mga most wanted person sa municipal level sa Cervantes bago ang pagkakaaresto.
Dinala sa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang proseso at pagsasagawa ng mga susunod na legal na hakbang kaugnay ng warrant.
Ang operasyon ay bahagi ng pagtugis ng Ilocos Sur Police Provincial Office sa mga wanted person na may nakabinbing kaso sa korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












