Inilunsad sa isang paaralang elementarya sa San Carlos City, Pangasinan ang programa para tugunan ang learning gaps ng mga mag-aaral noong Setyembre 28.

Sa pamamagitan ng Pangalangan Elementary School, isinagawa ang ARAL o Academic Recovery and Accessible Learning Program, isang programa ng Department of Education na nakatuon sa mga mag-aaral na may learning gaps.

Kasabay ng launching ang pamamahagi ng school supplies at school bags sa mga mag-aaral ng paaralan.

Dumalo sa aktibidad ang mga guro, learners, magulang at stakeholders ng Pangalangan Elementary School, kasama ang mga kinatawan ng paaralan.

Sa ilalim ng ARAL Program, binibigyan ng karagdagang academic support ang mga mag-aaral na natukoy na nangangailangan ng intervention upang matugunan ang kanilang mga kakulangan sa pagkatuto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments