Tinuruan ng Urdaneta City Police Station ang mga mag-aaral ng Camanang Elementary School kung paano tutugon sa emergency at posibleng security threats, kabilang ang paggamit ng RUN–ALERT–SECURE/HIDE–INFORM (RASI) protocol.
Sa isinagawang safety awareness lecture, ipinaliwanag sa mga estudyante ang mga pangunahing hakbang na dapat gawin kapag may insidente o banta sa loob o paligid ng paaralan.
Kabilang sa mga paalala ang manatiling kalmado, maging alerto sa paligid at agad sundin ang mga itinakdang safety procedures sa oras ng emergency.
Binigyang-diin din ng pulisya ang agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang tao, kilos o sitwasyon sa school authorities o law enforcement personnel.
Batay sa ulat, ang RASI protocol ay nagbibigay ng sunod-sunod na gabay sa mga indibidwal kung paano umiwas sa panganib, manatiling ligtas at makapagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad kapag may security threat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












