Nakatakdang i-deploy ang 574 TUPAD workers sa iba’t ibang bahagi ng Dagupan City para sa 10 araw na post-typhoon clearing at cleaning operations sa ilalim ng Fast Force Dagupan.
Tututok ang mga manggagawa sa paglilinis at clearing operations sa mga creek, drainage at kalsada na nangangailangan ng agarang paglilinis matapos ang bagyo.
Kasama rin sa kanilang mga gawain ang Brigada Eskwela, bilang bahagi ng pagsisikap na maibalik sa maayos at ligtas na kondisyon ang mga paaralan at iba pang pampublikong lugar.
Katuwang sa mobilization ang Public Employment Service Office (PESO), City Engineering Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Sa loob ng 10 araw, inaasahang tutulong ang 574 TUPAD workers sa pagpapabilis ng post-typhoon clearing operations sa lungsod, partikular sa mga lugar na nangangailangan ng dagdag na manpower para sa paglilinis at pagtatanggal ng debris. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












