₱1.7 million halaga ng ari-arian, naabo sa sunog sa Bakhaw, Mandurriao sa Iloilo City

Binulabog ng malaking sunog ang Zone 3 Barangay Bakhaw, Mandurriao sa Iloilo City ngayong umaga lamang.

Umabot sa 19 na bahay ang naapektuhan ng sunog kung saan 15 dito ang tuluyang natupok habang 4 naman ang partially damaged.

Ayon sa mga residente, nagsimula ang sunog bandang alas-3:50 kaninang madaling araw sa bahay ni Alope Previndido, ang nakatatandang kapatid ni late Western Visayas druglord Richard Previndido.


Sa ngayon, pansamantala munang mananatili sa day care center ng nasabing barangay ang mga apektadong residente.

Kaugnay nito, isang miyembro naman ng Bureau of Fire Protection Region 6 (BFP-6) ang na-suffocate habang inaapula ang apoy.

Samantala, tinatayang aabot sa kabuuang 1.7 million pesos ang naiwang danyos habang patuloy pa ring inaalam ng BFP-6 ang naging sanhi ng sunog.

Facebook Comments