Mas pinaigting ng Lokal na Pamahalaan ng San Nicolas ang mga hakbang upang maproteksyunan mula sa panganib sa kalusugan ng mga ina at sanggol sa pamamagitan ng pagsasagawa ng 3rd Perinatology Outreach Mission Program katuwang ang Region 1 Medical Center (R1MC) at Rural Health Unit (RHU) ng bayan.
Inaasahan na ang ganitong klase ng programa ay pagtitiyak sa kaligtasan sa pagbubuntis at mabawasan ang posibilidad ng komplikasyon sa panganganak sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa mga buntis na residente.
Nagkaroon ng libreng prenatal checkup, ultrasound, screening tests, buntis kits at seminar hinggil sa high-risk pregnancy, teen pregnancy, at wastong nutrisyon upang mapalawak ang kaalaman ng mga ina sa tamang pangangalaga sa kanilang sarili at sa kanilang dinadala.
Ayon sa pamahalaang lokal, mahalaga ang maagang pagtukoy sa mga posibleng komplikasyon sa pagbubuntis upang agad na mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon ang mga buntis. Sa ganitong paraan, naiiwasan ang mga panganib na maaaring makaapekto sa kalusugan at buhay ng ina at ng sanggol.

Pinangunahan ng mga espesyalista mula sa R1MC, katuwang ang Department of Health (DOH) at RHU San Nicolas, ang outreach mission bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa maternal at infant health. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments