
Cauayan City – Ibinasura ng Municipal Trial Court ng Kasibu, Nueva Vizcaya ang kasong forcible entry na isinampa ni Rosario Camma laban kina Bishop Jose Elmer Mangalinao, Fr. Christian Dumangeng, at pitong iba pa kaugnay ng isyu sa isang lugar sa Kasibu.
βAyon sa desisyon ni Presiding Judge Herson Valmores na may petsang Hunyo 24, hindi napatunayan ng nagsasakdal ang kanyang malinaw na karapatan sa lugar na pinagtatalunan.
βDagdag pa ng hukuman, wala rin itong hurisdiksyon sa ilan sa mga kahilingang inihain sa kaso.
βBinanggit din sa desisyon ang sertipikasyong inilabas ng NCIP na nagsasabing hindi sakop ng exploration permit ng isang mining firm ang lugar na sinasabing bahagi ng ancestral domain ng tribung Bugkalot/Ilongot.
βDahil dito, hindi umano napatunayan ang alegasyong nalabag ang karapatan ng grupo.
βSamantala, nagpahayag ng kasiyahan si Bishop Mangalinao sa naging desisyon ng korte. Iginiit din ng hukuman na walang ebidensyang nagpapakitang naroon ang obispo sa lugar na umanoβy sapilitang pinasok, habang ang iba pang hinihinging aksyon laban sa mga akusado ay hindi saklaw ng kasong forcible entry.










