May panibagong pag-asa ang tatlong pusang inalagaan ng Bayambang Animal Shelter matapos silang maampon at magkaroon ng kani-kanilang fur-ever home kamakailan.
Kabilang sa mga bagong fur parents ang isang personnel ng PNP Bayambang na masayang nag-uwi ng isa sa mga shelter cats.
Bago ipa-ampon, tiniyak ng Bayambang Animal Shelter na ligtas at malusog ang mga pusa sa pamamagitan ng anti-rabies vaccination, deworming, at neutering bilang bahagi ng responsableng animal care.
Patuloy naman ang panawagan ng Bayambang Animal Shelter sa publiko na suportahan ang animal adoption at maging responsableng fur parents upang mas marami pang ligaw, inabandona, at napabayaang hayop ang mabigyan ng ligtas na tahanan at panibagong pagkakataon sa buhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










