𝗗𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟬𝟬 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡

Pumalo na sa isang daan at tatlumpung milyon ang kabuuang halaga ng danyos ng El Niño sa kalakhang Ilocos Region, ayon sa Department of Agriculture – Ilocos (DA-ILOCOS). Ang naitalang danyos ay katumbas ng limampung porsyento ng mga sakahan ng mais.

Ayon kay DA – Ilocos Information Officer Vida Cacal, umaabot sa P63.8 million ng mga mais ang nasira, P53.9 naman sa mga palay, at P12.6 million naman ng mga high-value crops.

Ayon pa sa datos ng DA, halos anim na libong magsasaka ang apektado at halos tatlong libong ektarya naman ng sakahan sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Pangasinan.

Samantala, pagpapapanatag naman ng DA, ang inilaan nitong 1.5 bilyong halaga upang maibsan ang epekto ng dry spell sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga seeds, water pumps, at mga solar irrigation systems. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments