1 nasawi dahil sa landslide sa Bataan – NDRRMC

99

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 1 ginang ang nasawi matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Bataan.

Ayon sa NDRRMC, kumukuha pa sila ng ibang detalye ng pagkasawi ng 27 taong gulang na babae na hindi pa nilalabas ang pagkakakilanlan.

Lumalabas din sa paunang report na caretaker sa resort sa Abucay, Bataan ang biktima.


Samantala, ina-assess na ngayon ng regional counterpart ng NDRRMC at Bureau of Mines and Geosciences sa Region 3 ang pinagmulan ng landslide para maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Facebook Comments