
Sinalakay ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Bureau Of Immigration (BI) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang basement ng isang hotel sa Pasay City kung saan nadiskubre ang operasyon ng POGO.
Naaresto sa raid ang anim na Koreano at 15 Pilipino.
Sangkot ang grupo sa online gaming, game fixing at online scamming na ang target biktimahin ay mga kapwa Koreano rin.
Kinumpiska ng mga otoridad ang nasa 54 na computer, 21 CPUs, tatlong vault, apat na plastic drawer, isang steel drawer, cellphones, OTP generators at sim cards.
Nasa kustodiya na ng PAOCC ang mga nahuling POGO worker.
Facebook Comments