Makikinabang ang 100-ektaryang Community Model Farm sa San Quintin, Pangasinan sa ibinigay na hybrid rice seeds at fertilizers ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa ulat, saklaw ng Community Model Farm ang mga lugar na pinangangasiwaan ng San Pedro, Bolintaguen, Lumayao, Mantacdang at Baligayan Irrigators Association, kasama ang Tuyaban Irrigators Association at Bolilayao Siglat Irrigators Association.
Ang naturang hybrid rice seeds ay inaasahang magbibigay ng mas mataas na ani kumpara sa karaniwang binhi.
Patuloy namang isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang pang-agrikultura bilang tugon sa patuloy na hamon ng produksyon ng pagkain lalo na ngayong tag-init. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments





