1,000 COLLEGE STUDENTS SA UMINGAN, NAKATANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE

Aabot sa 1,000 college students sa Umingan, Pangasinan ang nakatanggap ng educational assistance sa ilalim ng Iskolar ng Umingan Program ng Pamahalaang Bayan.

Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mga matagumpay na nakapasa sa qualifying examination na isinagawa bilang bahagi ng pagpili ng mga kwalipikadong iskolar.

Layunin ng programa na mabawasan ang gastusin ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral at mabigyan sila ng karagdagang suportang pinansyal habang nagpapatuloy sa kolehiyo.

Ayon sa Pamahalaang Bayan, bahagi rin ng programa ang patuloy na pamumuhunan sa edukasyon at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga kabataang Umingan.

Inaasahang makatutulong ang educational assistance sa mga gastusin ng mga benepisyaryo, partikular sa kanilang mga pangangailangan sa paaralan at iba pang kaugnay na gastusin sa pag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments