Monday, August 31, 2026

‎‎POSIBLENG PAGLITAW NG AHAS, BABALA SA MGA RESIDENTE SA BINABAHANG LUGAR

‎Isa ang ahas sa mga kinatatakutan pagdating ng Habagat, lalo na kapag nagdudulot ito ng malakas na pag-ulan at Pag-baha.

‎Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), maaaring ma-displace ang mga ahas at iba pang reptile kapag may baha, kung saan maaari silang lumangoy sa tubig upang makahanap ng mas mataas na lugar o magtago sa ilalim ng mga debris.

‎Ngayong panahon ng Habagat na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan, nangangamba ang ilang residente na maaaring kumalat at manatili sa kanilang lugar ang mga ahas, lalo na sa mga lugar na mataas ang baha.

‎Ayon naman sa panayam ng IFM News Dagupan kay Vincent Chiu, PDRRMO Operations Head, normal umano ang naitatala nilang presensya ng mga ahas tuwing kasagsagan ng pagbaha.


‎Dagdag pa ni Chiu, huwag iwanan ang mga alagang hayop sakaling kailangang lumikas, lalo na kung patuloy na tumataas ang tubig-baha sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments