ANIM NA BARANGAY SA SAN NICOLAS, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN SA POSIBLENG PAGTAAS NG TUBIG

‎Mahigpit na mino-monitor ng mga awtoridad ang anim na barangay sa San Nicolas, Pangasinan, na posibleng maapektuhan ng pagtaas ng tubig mula sa Agno River.

‎Kasunod ito ng precautionary water release na isinagawa ng San Roque Dam noong Setyembre 2 matapos tumaas ang lebel ng tubig sa dam.

‎Kabilang sa mga binabantayang lugar ang Barangay Cabuloan, Camindoroan, San Felipe East, San Felipe West, San Rafael West, at Sto. Tomas, partikular ang mga mabababang lugar at mga bahaging malapit sa ilog.

‎Ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan, nagpakawala ng karagdagang tubig ang San Roque Dam upang makontrol ang dam volume.

‎Samantala, tiniyak ng National Power Corporation (NAPOCOR) na hindi inaasahang magdudulot ng overflow sa ilog ang water release.

‎Gayunman, pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na manatiling alerto at maghanda sakaling magbago ang kondisyon ng tubig.

‎Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at hinihikayat ang publiko na umantabay sa mga opisyal na update mula sa LGU San Nicolas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments