Isinagawa sa Don Leopoldo Sison Convention Center ang kauna-unahang Free Self-Care para sa lahat ng empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Alaminos.
Pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) ang naturang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 Anibersaryo ng Philippine Civil Service Commission (CSC).
Sa pamamagitan ng Free Self-Care, binigyang-diin ang kahalagahan ng paglalaan ng panahon para sa sarili, lalo na sa gitna ng mga hamon at responsibilidad sa trabaho.
Paalala rin ng aktibidad na ang pag-aalaga sa sarili ay mahalagang bahagi ng mas mahusay, mas produktibo, at mas makabuluhang paglilingkod sa publiko.
Sa pangunguna ng HRMO, ipinapakita ng programa ang pagpapahalaga ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos City sa mga taong patuloy na nagsisilbi para sa kapakanan ng mga mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments













