DOJ, nilinaw na nasa maayos na kondisyon si Sec. Boying Remulla

Walang dapat ikabahala sa kalusugan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.

Tugon ito ng DOJ kaugnay sa pangamba ng ilan sa kalusugan ng kalihim.

Ayon kay DOJ Undersecretary Jesse Hermogenes Andres, walang isyu sa kalusugan ni Remulla.


Sa ngayon ay marami lang aniyang tinututukan na ibang bagay ang Kalihim.

Bago niyan, usap-usapan na na-admit sa intensive care unit si Remulla.

Noong nakaraang taon nang sumailalim ang Kalihim sa isang bypass procedure para tanggalin ang bara sa kanyang puso.

Facebook Comments