BRGY.KAGAWAD, PATAY SA PAMAMARIL SA KASALAN; KAPITAN AT 7 IBA PA, SUGATAN

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang Brgy. Kagawad matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa isang kasalan sa Sitio Flaviano, Brgy Dalena, San Pablo, Isabela.

Nakilala ang namatay na kagawad na si Girliy Telan ng Simanu Sur, San Pablo, Isabela.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, habang nagsasayaw umano sa kasalan ang Barangay kapitan na si Brixsio Gammaru kasama ang iba pa ay biglang lumapit ang gunman at binaril si Gammaru.

Nasugatan din sa pamamaril ang pito pang manonood sa nasabing kasalan matapos madamay sa insidente.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga sugatang biktima habang hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktimang si Telan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pamamaril at pagtukoy sa pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments