
Nakatakdang dumating ngayong umaga ang 18 Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa Tel Aviv at Jordan.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang mga naturang Pinoy ay mga naapektuhan ng nagpapatuloy na tensyon at kaguluhan sa Middle East.
Asahan namang haharap sina DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac at OWWA Administrator Patricia Yvonne M. Caunan, sa NAIA Terminal 1.
Matatandaang ilang Pinoy na rin ang nadamay at nasugatan sa gulo sa pagitan ng Israel at Iran kung saan ang ilan ay nagpapagaling na sa ospital dahil sa mga pag-atake ng magkabilaang panig.
Facebook Comments