REGULASYON SA PAMASAHE NGAYONG PASUKAN, TUTUTUKAN NG POSO ALAMINOS

All systems go na ang hanay ng Public Order and Safety Office (POSO) Alaminos sa unang araw ng pagbubukas ng klase ngayong araw, June 16, 2025.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Alaminos POSO Chief Maridel Rabac, nakahanda na ang deployment ng mga enforcers sa mga eskwelahan maging sa mga lansangan.

Labindalawang oras ding naka standby ang mga kawani, mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi.

Ani Rabac, isa sa tututukan ay ang regulasyon sa fare matrix lalo ngayong umpisa na ang pasukan.

Paalala nito sa mga tricycle drivers ang wasto lamang ng paniningil upang maiwasan ang posibleng pag-ugatan pa ng gulo o dayaan.

Samantala, mungkahi rin nito sa publiko ang pakikiisa at pagtalima sa mga umiiral na traffic laws, rules at regulations. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments