19-ANYOS NA WANTED PERSON, NAARESTO SA URBIZTONDO, PANGASINAN

Naaresto ng mga tauhan ng Urbiztondo Municipal Police Station ang isang 19-anyos na wanted person bandang 12:50 ng hapon noong Oktubre 6, 2026, sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Fernan L. Rivera, Chief of Police, kasunod ng pagpapatupad ng isang Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 120, Imus, Cavite.

Ayon sa ulat, nahaharap ang akusado sa 10 counts ng Qualified Theft. Nakasaad sa warrant ang inirekomendang piyansa na ₱40,000 para sa bawat bilang.

Matapos ang pagkakaaresto, pansamantalang dinala at inilagay sa kustodiya ng Urbiztondo Police Station Custodial Facility ang akusado habang hinihintay ang kaukulang proseso at disposisyon ng korte.

Samantala, tiniyak ni PMAJ Rivera na magpapatuloy ang operasyon ng himpilan laban sa mga wanted person, kasabay ng pagpapaigting ng kampanya kontra kriminalidad at ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa nasasakupan.

Patuloy namang hinihikayat ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso o warrant of arrest. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments