19 na barangay sa Sorsogon, nakaranas ng ash fall dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Bulusan

Umabot sa 19 na barangay mula sa apat na bayan sa Sorsogon ang nakaranas ng ash fall kasunod ng pag-alburoto ng Bulkang Bulusan.

Base sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense (OCD) kabilang sa mga apektadong bayan ang Bulan, Irosin, Juban, at Magallanes.

Dahil dito, muling ipinaalala ng mga awtoridad ang kahalagahan ng pag-iingat, partikular sa mga may iniindang sakit sa paghinga at ang pagsunod sa mga panuntunan upang maiwasan ang masamang epekto ng paglanghap ng abo.

Una nang nakapagtala ang OCD ng 14,830 pamilya o halos 74,209 indibidwal ang naapektuhan ng pagsabog ng bulkan kung saan 19 na pamilya o katumbas ng 61 indibidwal ang nananatili ngayong sa mga evacuation center.

Sa ngayon, nakataas sa Alert level 1 o Low-Level Unrest ang Alert status ng Bulkang Bulusan.

Facebook Comments