
Plano ng Department of Agriculture (DA) na isailalim sa move out sale o bargain sale ang P20 kada kilo ng bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, sa halip na mabulok na lang sa mga bodega ay ibebenta nila sa bargain price kahit malugi at maibenta ito sa presyong three pesos.
Magugunita na ang lumang rice stocks ng National Food Authority (NFA) ay una nang binalak na ibenta sa local government units sa pamamagitan ng Food Terminal incorporated ang two-month old rice stocks sa halagang P33 kada kilo.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin kinukuha ng mga LGU ang inorder nilang bigas.
Ginawa ng Kalihim ang pahayag sa harap ng hindi pa mai-roll out na P20 program sa May 1 sa Visayas at May 2 sa Kadiwa centers.
Ayon kay Laurel, wala pa silang nakukuhang permiso ng Comelec para sa pagbebenta ng P20 na kada kilong bigas katuwang ang LGUs at ng Kadiwa centers.
Batay sa resolusyong inilabas ng Comelec, bawal na ang pamimigay ng ayuda mula May 2 hanggang May 12, araw ng eleksyon.