Anak ng namayapang aktres na si Cherie Gil, pumalag sa mensahe ng isang netizen

111

Nagsalita na ang singer-songwriter na si Bianca Rogoff, ang anak ng namayapang aktres na si Cherie Gil.

Ito’y matapos makatanggap ng mga batikos dahil sa kaniyang pagpa-party ilang araw matapos ang pagkamatay ng kanyang ina.

Sa Instagram story ni Bianca, sinabi nito na siya ay nagdadalamhati at hindi niya trabaho na ipakita ito sa mga tao.


Say pa niya, mahal niya ang kanyang ina at puwede siyang magdalamhati, naka-public man o private.

Kung gusto rin daw siyang i-unfollow ay free silang gawin ito at i-e-enjoy niya ang buhay na binigay ng kanyang ina.

Facebook Comments