Lalaki, tumalon sa riles ng LRT-1

210

Pansamantalang sinuspinde kaninang umaga ang operasyon ng Light Rail Transit Line-1 matapos na isang lalaki ang tumalon sa riles ng tren.

Ayon kay Light Rail Manila Corporation spokesperson Jacqueline Gorospe, nangyari ang insidente sa northbound side ng Monumento Station.

Buhay at conscouis naman ang lalaki.


Dahil sa insidente, tumatakbo lamang ang tren mula Baclaran hanggang Blumentritt at vice versa.l

Halos alas sais na ng umaga nang maibalik ang operasyon sa lahat ng 19 na istasyon ng LRT-1.

Facebook Comments