Cebu Provincial Government, ibabalik ang kanilang tinaguriang ‘dancing inmates’ show

Ibabalik ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang tinaguriang ‘dancing inmates’ ng Cebu Provincial Detention Rehabilitation Center (CPDRC).

Layon nitong maka-akit ng mga turista at mabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng pagkakakitaan ang mga preso nito.

Kaugnay nito, bubuksan din muli ni Garcia ang savings account para sa mga CPDRC inmates sa Cooperative Bank of Cebu kung saan bibigyan ng savings account passbook ang bawat indibidwal.


Matatandaang naging viral ang CPDRC inmates sa Youtube noong 2007 matapos sayaawin ng mga ito ang hit song ni Michael Jackson na Thriller kung saan umabot ito sa 59.5 million views.

Facebook Comments