Pangulong Rodrigo Duterte, nakiramay sa pamilya ni yumaong Ambassador to China Sta. Romana

48

 

Nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng pumanaw na si Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana nitong Sabado ng gabi.

Pasado alas diyes y medya ng dumating ang pangulo sa The Heritage Park and Crematory sa Taguig City.

Kasama niya sa pagbisita si Senador Bong Go. Tumagal ng halos isang oras sa lamay ang pangulo.


Nagpapasalamat ang bunsong anak ni Ambassador Chito na si Christopher sa pagdalaw ng pangulo.

Bago ang pagbisita ng pangulo, nagbigay ng eulogy ang mga kapamilya, matalik na kaibigan, at mga katrabaho ng ambassador.

Alas-10 ngayong araw naman gagawin ang cremation sa mga labi nito. Matapos nito, iuuwi ang abo sa kanilang bahay.



Facebook Comments