Price freeze sa Abra, matatapos na sa Setyembre – DTI

34

Matatapos na sa Setyembre ang price freeze sa Abra.

Sa ilalim ng RA 7581 o Price Act, ang price freeze ay ipinatutupad sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity, kung saan ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin ay mananatili sa kasalukuyang presyo nito sa loob ng maximum na 60 araw.

Ayon kay Trade Usec. Ruth Castelo, matatapos ng September 26 ang price freeze sa naturang probinsya dahil inilabas ito noong Hulyo 28.


Tiniyak din ni Castelo, na tinututukan ng ahensya ang presyo ng mga produkto sa Abra, na naka-freeze batay sa presyong na-compute ng ahensya sa huling tatlong buwan.

Matatandaang ipinatupad ang price freeze sa Abra matapos isailalim ang lugar sa state of calamity dahil sa pagtama ng magnitude 7 na lindol noong Hulyo 27

Facebook Comments