
Arestado ang isang 40-year old na Korean national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Ayon sa PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) naka- schedule ang naturang banyaga patungong Cebu nang ma-flagged sa baggage screening checkpoint 3 dahil may na-detect ang X-ray operator na kakaiba sa bagpack nito.
Kung kaya isinagawa ang manual inspeksyon ng mga awtoridad at doon nakita ang iligal na droga.
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa kaso.
Facebook Comments