PNP Services Mobile App, inilunsad

Isang bagong mobile app ang inilunsad ng Philippine National Police (PNP) Communications and Electronics Service para sa mas mabilis at madaling pag-access ng serbisyo mula sa kapulisan na tinawag na “PNP SERVICES.”

Layon ng app na gawing mas efficient at direkta ang komunikasyon ng pulisya sa mamamayan.

Tampok dito ang directory ng police stations, License to Own and Possess Firearms (LTOPF) services, Pulis News Network, at mga link sa iba’t ibang tanggapan ng PNP.

Eksklusibo muna ito para sa mga Android users.

I-search lamang ang “PNP SERVICES” sa Google Play Store.

Sa tulong ng makabagong teknolohiya, tiniyak ng PNP na magpapatuloy ang tapat na serbisyo publiko.

Facebook Comments