2 barko ng China Coast Guard na iligal na nagpapatrolya, nakalabas na ng teritoryo ng Pilipinas

Tuluyan nang nakalabas ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang dalawang barko ng Chinese Coast Guard (CCG) na namataan sa may bahagi ng Luna, La Union.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea, binuntutan ng BRP Cabra ang CCG vessels na 3301 at 3104 hanggang makalabas ito ng EEZ kahapon.

Wala rin daw tigil sa pagradyo ang PCG sa mga barko ng China para igiit na wala silang karapatan na magpatrolya sa mga teritoryo ng Pilipinas.


Batay sa Dark Vessel Detection data, huling nakita ang CCG vessels sa layong 61 at 81 nautical miles mula Guangdong Province sa China hanggang kaninang alas-siyete ng umaga.

Sinabi naman ng PCG na patuloy nilang poprotektahan at babantayan ang West Philippine Sea nang hindi na kailangang mauwi sa paglala ng tensiyon.

Facebook Comments