
CAUAYAN CITY – Natapos na nang Department of Public Works and Highways ang dalawang (2) flood control projects sa Bagabag, Nueva Vizcaya.
Nagkakahalaga ng P100 milyon ang nabanggit na proyekto sa Brgy. Bakir kung saan may sukat itong 554-linear meter slope protection at mayroon ding embankment gamit ang steel sheet piling.
Samantala, nasa P100 milyon din ang natapos na Tuao North-Tuao South Flood Control Structure Project sa Sitio Dumayop, kung saan nasa 540 linear meters naman ang haba nito.
Ayon kay DPWH Nueva Vizcaya First District Engineer Marifel Andes, malaking tulong ang naturang proyekto na maprotektahan ang mga mamamayan ng lugar sa banta ng mga pagbaha sa tuwing nagkakaroon ng malalakas na mga pag-ulan at bagyo na nakakasira ng mga palayan at ari-arian.