FORMER MEMBER NG KOMUNISTANG GRUPO, PINILI ANG MAPAYAPANG BUHAY

CAUAYAN CITY – Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa bayan ng Bambang, lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Kinilala ang indibidwal na si alyas “Lupe”, 52-anyos, may asawa at kasapi ng grupong Venerando Villacillo Command.

Sa isang panayam, ibinahagi nito na pumasok siya sa komunistang grupo noong 1987, kung saan nag-udyok sa kanya ang kagustuhang makapaghiganti sa mga militar dahil umano sa naranasang mistreatment noon.


Naging aktibo rin umano siya sa mga pagpupulong, recruitments, at iba pang aktibidad ng komunistang grupo bago siya magpasyang piliin ang mapayapa at tahimik na pamumuhay.

Ang kanyang pagsuko ay dahil na rin sa patuloy na kampanya ng mga awtoridad kontra terorismo at komunistang grupo tungo sa maayos, mapayapa at tahimik na lipunan.

Facebook Comments