NEGOSYANTE, ARESTADO SA KASONG PAGLABAG SA BOUNCING CHECK LAW SA SAN CARLOS CITY

Arestado ng mga operatiba ng San Carlos City Police Station ang isang 45 anyos na negosyante sa isinagawang manhunt operation kaugnay ng kasong paglabag sa Bouncing Checks Law.

Ayon sa pulisya, ang suspek, na residente rin ng lungsod, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng hukuman kaugnay ng Criminal Case No. 7132.

Nagtakda ang korte ng piyansang ₱120,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Agad na dinala ang naarestong indibidwal sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago iharap sa korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments