2 Korean nationals kabilang na ang isang babae, arestado ng immigration authorities dahil sa magkakaibang kaso

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang babaeng Korean na wanted sa South Korea dahil sa ibat ibang kaso.

Ang Koryanang si Ban Jaeyob, 56, ay naaresto sa kanyang condominium unit sa Ortigas, Pasig City.

Si Ban ay may kinakaharap na warrant of arrest na inisyu ng Seoul Central District Court dahil sa kasong fraud, illegal confinement, counterfeit o alteration ng private documents, at extortion


Sa hiwalay na operasyon ng immigration authorities,naaresto rin ang isang lalaking Korean national na si Bang Yoonjik, 55, na nahaharap rin sa kasong fraud sa Korea.

Si Bang ay sinasabing nakabiktima ng 11 kababayan nito sa Seoul at umabot ang kanyang natangay sa 88-million Korean Won o 3-million pesos.

Facebook Comments