2 mahahalagang batas na nilagdaan ni PBBM, pormal na iprinisenta sa Malacañang

Pormal na iprinisenta sa Malacañang ang dalawang mahalagang batas na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Isa na rito ang pagiging ganap departamento ng dating National Economic and Development Authority (NEDA) na ngayon ay Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) na.

Ayon sa pangulo, mas madali nang matutukoy kung aling proyekto ang dapat palawakin, kailangang ayusin, at dapat nang itigil sa ilalim ng DEPDev.

Sa mga nagdaang taon, marami aniyang magandang plano ang nananatiling plano lang at hindi lahat ng inaprubahang proyekto ay agad naipatutupad.

Bukod dito, iprinisenta rin ang pagsasabatas ng Phivolcs Modernization Act, na magpapabilis ng paghahatid ng sapat at napapanahong impormasyon na makakatulong sa pagharap sa kalamidad.

Tataasan na rin dito ang taunang pondo ng ahensya sa loob ng limang taon para makabili ng mas modernong kagamitan at makapagpagawa ng mas makabagong pasilidad tulad ng mga laboratoryo, centralized data center, at learning hub.

Facebook Comments