
Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) sa loob ng 90 days ang operasyon ng Cebu Titan Supplies matapos na masangkot sa ilegal na pag-aangkat at pagbebenta ng mga right-hand drive na sasakyan.
Sa ilalim ng Republic Act 8506, ipinagbabawal ang pag-import at paggamit ng mga right-hand drive vehicles sa bansa.
Naglabas na rin ng show cause order ang LTO laban sa naturang kompanya upang magpaliwanag sa loob ng limang araw kung bakit hindi sila dapat patawan ng parusa, kabilang ang tuluyang pagkansela ng kanilang accreditation.
Nauna rito, ni-raid ang isang bodega sa Quezon City, kung saan natuklasan ang ilang second-hand right drive na mga sasakyan na ibinebenta rin sa social media.
Bukod dito, nakuha rin sa isinagawang inspeksyon ang ilang dokumento mula sa LTO gaya ng rehistro ng mga sasakyan at dalawang right-hand drive trucks.