PROJECT BUBBLES, INILUNSAD SA BRGY. MAGTAKING PARA SA KABUHAYAN NG MGA 4PS BENEFICIARIES SA SAN CARLOS CITY

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ang Project Bubbles: Building Uplifted 4Ps Beneficiaries through Basic Livelihood Enterprise and Skills in Dishwashing Liquid Production sa Barangay Magtaking, San Carlos City.

Nabigyan ng karagdagang kaalaman at oportunidad sa kabuhayan ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pamamagitan ng paggawa ng dishwashing liquid na pwedeng maging maliit na negosyo.

Kabilang sa pagsasanay ang paghahanda ng mga sangkap, wastong paghahalo, pag-iimpake ng produkto, at mga pangunahing kaalaman sa pagnenegosyo.

Inaasahang palalakasin nito ang kakayahan ng mga benepisyaryo upang magkaroon sila ng dagdag na pagkakakitaan at mas matatag na kabuhayan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kalahok sa programang kanilang dinaluhan dahil nagbibigay ito ng praktikal na kasanayan na maaari nilang magamit sa araw-araw at panimulang negosyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments