26 na mga Pinoy na nag-avail ng voluntary repatriation, ligtas na nakatawid mula Israel patungong Jordan

Ligtas na nakatawid ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng voluntary repatriation program ng Embahada ang 26 na Pinoy na mula sa Israel.

Ayon kay Ambassdaor Aileen Mendiola, sinamahan mismo nila ang mga naturang Pinoy sa Allenby Border Crossing kasama ang Department of Migrant Workers – Overseas Workers Welfare Administration (DMW-OWWA) Team ng Embahada.

Ito’y upang matiyak ang matiwasay nilang pagtawid mula Israel papuntang Jordan.

Inayos na rin ng Embahada ang kanilang transportation, transit visas, travel documents, at plane tickets pauwi ng Pilipinas.

Bago umalis, namalagi muna sila sa DMW shelter, binigyan ng relief packages, at binigyan ng free legal services patungkol sa kanilang pikadon/benefits.

Sa ngayon, ipino-proseso na rin ang pag-uwi ng 33 nating kababayan na bumubuo sa second batch sa ilalan ng voluntary repatriation program.

Facebook Comments