IFM DAGUPAN, MULING NAGHATID NG SAYA AT PAPREMYO SA SUGOD BARANGAY: TANG ICED TEA!

Muling nagpasaya at namigay ng papremyo ang IFM Dagupan noong Sabado, June 21 sa isinagawang Sugod Barangay: Tang Lemon Iced Tea sa tatlong piling barangay ng lungsod.

Unang pinagkalooban ng pagkakataong makapag-roleta ang mga sari-sari store owners, kung saan sila ay nanalo ng premyo. Sumunod namang pinasaya ang mga residente ng barangay na masiglang nakiisa sa pamimigay ng Tang Ice Tea upang kanila ring matikman ang masarap na inumin.

Puno ng sigla at tuwa ang naging tugon ng mga taga-barangay Bonuan Binloc, Caranglaan at Bacayao Sur sa sorpresang hatid ng IFM Dagupan at Tang Ice Tea kaya naman abangan ang patuloy na paghahatid ng kasiyahan sa mga susunod pang Barangay na ating pupuntahan at maghanda ng sumigaw ng “Switch to Tang Iced Tea!”. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments