
Isang panibagong disqualification petition ang inihain sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) laban kay Rep. Erwin Tulfo.
Kaugnay ito sa kaniyang pagtakbo bilang senador sa darating na midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, inihain ang petisyon kahapon ng isang Bertini Cataluña Causing at grupong Graft-Free Philippines Foundation Inc.
Hindi pa inilalabas ng poll body ang buong dokumento kung saan nakasaad ang grounds para ipa-disqualify ang kongresista.
Hindi ito ang unang disqualification petition na inihain laban kay Tulfo kung saan may nagpetisyon na rin na i-disqualify ang kanilang mga miyembro ng pamilyang tumatakbo rin sa halalan.
Kinwestyon sa naunang petisyon ang kanilang pagiging Pilipino at pagiging bahagi raw ng isang political dynasty.