Palasyo, binigyang diin na okay at healthy si Pangulong Duterte makaraang ma-expose sa isang staff na positibo sa COVID-19

Pinawi ng Palasyo ang pangamba ng publiko hinggil sa kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang ma-expose ang pangulo sa isa niyang household staff noong Jan. 28, 2022 na positibo sa COVID-19.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles healthy ang pangulo para sa kanyang edad.


Sinabi pa ni Nograles na base sa assessment ng physician ng pangulo hindi maituturing na close contact ni Pang. Duterte ang isa pang household staff na nagpositibo noong nakalipas na linggo kung kaya’t nagtapos na ang kanyang quarantine kahapon, Feb 3, 2022.

Binigyang diin pa nito na walang nilabag na quarantine protocol ang punong ehekutibo.

Kahapon lumabas ang larawan ng pangulo kasama si Sen. Bong Go at kanyang attending physician na nagtungo sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City para sa kanyang routine medical check-up.

Nabatid na Jan. 24, 2022 ang huling public appreance ng pangulo sa kanyang Talk to the People at posibleng sa Lunes ay muli itong humarap at mag ulat sa taumbayan.

Facebook Comments