3 Chinese People’s Liberation Army Navy vessels na nasa loob ng WPS, bantay sarado ng AFP

Mahigpit na binabantayan ng Western Mindanao Command ang bawat kilos o galaw ng 3 Chinese People’s Liberation Army (PLA) Navy vessels na nasa loob ng West Philippine Sea.

Ayon sa WESMINCOM unang namataan ang mga barkong pandigma ng China nitong Feb 2, 2025 at patuloy sa pagpalaot sa bahagi ng Mindoro Strait patungong Sulu Sea.

Natukoy ng AFP ang 3 PLA vessels na Renhai Class Cruiser Guided Missile, Jiankai Class Frigate II, at Type 903 Fuchi Class Replenishment Oiler.


Ayon sa WESMINCOM walang prior diplomatic coordination ang 3 PLAN Vessels kung saan kahina hinala din ang mabagal na pag usad nito sa 4-5 knots na taliwas sa principle ng innocent passage na nangangahulugan ng tuloy tuloy na paglalayag.

Dahil dito, 2 PAF aircraft na C-208 at Nomad N22 aircraft ang nagbabantay sa paglalayag ng mga barko ng China.

Idineploy narin ang PN vessels para i-challenge at magshadow sa mga barko ng China na nasa WPS.

Kasunod nito, muling tiniyak ng Sandatahang Lakas na patuloy na itataguyod at pprotektahan ang ating teritoryo at soberenya.

Facebook Comments