MGA DAHILAN SA PATULOY NA PAGBAHA SA DAGUPAN CITY, IPINALIWANAG NG MGA AWTORIDAD

Nilinaw ng mga awtoridad sa Dagupan City na hindi na lamang ulan ang dahilan kung bakit nananatiling mataas ang baha sa ilang bahagi ng lungsod, kahit humina na ang pag-ulan.

Ayon sa Public Alert Response and Monitoring Center (PARMC), isa sa mga dahilan ng kasalukuyang pagbaha ang malakas na pag-ulan sa upstream areas, pagtaas ng high tide, at tubig mula sa mga dam na dumadaloy patungo sa mga ilog na konektado sa lungsod.

Dahil mababa ang elevation ng Dagupan, na nasa tinatayang 1.5 metro lamang above sea level, nahihirapan ang tubig na mabilis na makalabas patungong dagat, lalo na kapag mataas ang tide.

Isa sa mga kritikal na binabantayan ngayon ang Sinucalan River, kung saan tinatayang 50 porsiyento ng tubig mula sa mga dam ay direktang napupunta dito.

Makikita rin umano ang epekto nito sa lebel ng tubig sa mga ilog.

Bago pa man ang bagyo, sinabi ng CDRRMC na nagsasagawa na ang mga concerned team ng paghahanda, kabilang ang river cleanup, creek rehabilitation at paglilinis ng mga kanal sa pangunguna ng City Engineering Office.

Nanawagan naman si Mayor Belen T. Fernandez sa mga residenteng nasa high-risk areas na sundin ang evacuation orders ng CDRRMC.

Dagdag ni Fernandez, ang mga barangay pa na pinakamalalang naaapektuhan ng baha ay siya ring ilan sa mga lugar na nahihirapang hikayatin ang mga residente na lumikas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments