MGA LIBRENG SERBISYO PARA SA MGA SENIOR CITIZENS, NAGPAPATULOY SA ELDERLY FILIPINO WEEK 2026 SA DAGUPAN CITY

Iba’t ibang libreng serbisyo at aktibidad ang inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan para sa mga senior citizen bilang pakikiisa sa Elderly Filipino Week 2026 ng National Commission of Senior Citizens.

Kabilang sa mga aktibidad ang libreng medical check-up, haircut at prescription glasses, gayundin ang board games competition, senior citizens’ sitting exercise, at duet singing contest para sa mga lolo, lola at kanilang mga apo.

Nakipagtulungan din ang Siapno Tada sa pagbibigay ng libreng check-up at salamin sa mga senior citizen, habang lahat ng dumalo ay nakatanggap ng Ottogi Honey Ginger Tea at Honey Citron Tea.

Isinagawa rin ang Renewal of Vows para sa siyam na mag-asawang senior citizen bilang bahagi ng pagdiriwang.

Bukod dito, isinagawa ang mga lecture at workshop sa first aid, gayundin ang earthquake drill at flood at fire drill na pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC.

Layunin ng pagdiriwang na kilalanin at pahalagahan ang kontribusyon ng mga senior citizen sa kanilang pamilya at sa komunidad, bukod sa pagbibigay sa kanila ng mga serbisyong makatutulong sa kanilang kalusugan at kapakanan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments