450 BOLUNTARYO,NAKAPAGKOLEKTA NG KALAHATING TONELADA NG BASURA SA BAYBAYIN NG BINMALEY PARA SAWORLD OCEANS DAY

Humigit-kumulang 450 boluntaryo ang nakiisa sa isang malawakang coastal cleanup activity sa Binmaley, Pangasinan noong Hunyo 7 bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Oceans Day.

Ayon sa ulat, umabot sa 524 kilo ng basura ang nakolekta sa isinagawang cleanup drive sa tabing dagat.

Bukod sa paglinis ng basura, target ng aktibidad na ipalaganap ang wastong paghihiwalay ng basura para mabawasan ang polusyon sa mga yamang-dagat.

Pinangunahan ng isang Mall sa Dagupan, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Binmaley, ang aktibidad na nilahukan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, at mga organisasyong pangkomunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments