450K, dumalo sa Leni-Kiko miting de avance sa Makati City

594

Tinatayang abot sa 450,000 na katao ang pumuno sa Ayala cor. Makati Avenue sa Makati City para sa Leni-Kiko tandem miting de avance.

 

Ito’y batay sa pagtaya ng mga rescue team at ng organizers.

 

Ito ang itinuturing na pinakamalaking crowd estimate kung ikukumpara sa mga nagdaang campaign activity.


 

Nagsama sama sa entablado ang mga showbiz celebrities at mga social media influencers.

 

Taas kamao nilang pinangunahan ang pagbigkas ng panata for 2022, isang pangako para ituloy ang laban ng Pilipinas hanggang sa huli.

 

Kabilang sa mga artista na nagtalumpati ay sina Angel Locsin, Iza Calzado at Jane de Leon.



 

Nagkaroon ng duet sina Anne Curtis at Yeng Constantino ng “Hawak Kamay”.

 

Sinabi naman ni Sharon Cuneta na ito ang pinakamalaking laban ng laban ng kasalukuyang henerasyon.


Facebook Comments